Justice for Given Grace
Kung sino ka man ngayon, mahiya ka na. Hindi ko alam ang hitsura mo sa mata ng Diyos, pero sa mata namin, ang itim-itim at ang suklam-suklam mo na.
Kapag mas lalo nating pinaigting ang pagsigaw natin sa hustisya, bagaman pagpiyestahan man ito ng media, puputaktihin din naman ng media ang pulis para ipagpatuloy imbestigahan sa lalong madaling panahon ang kaso ng kapatid natin.
Okay lang kahit hindi mo kilala nang personal si Given. Hindi niya dapat naranasan ang karahasang iyon. WALANG DAPAT MAKARANAS NG KARAHASAN NA IYON. Kaya’t hangga’t naririyan lang ang walang-pusong gumawa nito, palagay ko hindi na ako matatahimik nang ayos.
Safe haven ko ang UPLB. :’( Ang gumawa nito ay walang lugar doon. Dito. O kung saan man. :(







