[via]
“To all the people of world”
Alicia Ali Marsden
To all the people of world
The people in Egypt are under governmental siege. Mubarak regime is banning Facebook, Twitter, and all other popular internet sites Now, the internet are completely blocked in Egypt….
January 2011
29 posts
Nakakalungkot lang na ang bukas, ang sunod sa bukas, ang bukas ng bukas ng bukas ko, ang bukas matapos ng bukas ng bukas ng bukas ay planado na.
Na-miss ko na ang masurpresa. Nangungulila ako sa pakiramdam ng pagkagulat. ‘Yung parang, “Hello, Xerez! Ngayon, may mangyayaring maganda o sabaw sa buhay mo. Just wait and see.”
Sa halip ng, “Xerez, ngayong araw, gagawa ka ng paper, bukas may miting ng PI, sa Sabado may aktibidades, sa Linggo may praktis, sa Lunes may miting, sa Martes may ipapasa at may magsi-speech, sa Miyerkules may gagawin, sa Biyernes miting ulit.”
Alam ko na ang mga mangyayari.
Nauuhaw na ako sa masarap na pakiramdam na pagkamangha sa kung anong handog ng panibagong araw para sa iyo.
Nagkakaroon din talaga ng punto sa buhay mo na matatakot ka sa mga iniisip mo at gugustuhin mong magtago. Pero sa mga puntong ‘yon, nagkakaroon ka rin ng nagliliyab na pakiramdam na gusto mong isigaw ang iyong saloobin.
Ang solusyon lang naman diyan ay ang pagtanggal ng iyong pagkakakilanlan at magtago sa isang sikat na pangalan. Ang pangalan ng mga duwag: Anonymous.
Dahil dito, magsisimula ako ng panibagong blog. Malaya sa aking pagkakakilanlan, sa aking mga koneksyon, sa aking mga kaibigan, sa aking mga kapamilya.
Maiisip ninyo, bakit hindi na lang gawing pribado ang mga isinusulat ko?
Eh gusto kong sumikat eh, bakit ba.
Paalam, Tinapa.
PS: Siyempre, joke lang ‘yun. Masyado akong vain para hindi mag-post dito.
Anong meron kapag sobrang dami mong dapat gawin, naglalabasan lahat ng mga gusto mong gawin na walang relasyon sa dapat mong gawin, pero pag wala ka nang gagawin ayaw mo naman silang gawin?
Meron kang tongue twister.
” —Tinapa